Sinisigaw ng marami panahon na ng pagbabago
Oras na para ayusin ang sitemang magulo
Ngunit sa nakikita ko mahirap ito
Pagkat ang bawat isa'y may ibat ibang gusto
Pagbabago anu ba ang tunay na kulay mo
Dilaw,Bughaw,Pula o Kahel alin ba ang totoo
O depende nalang kung anu ngayon ang uso
Kung ako ang sasagot wala kahit isa rito
Sabi noon ng isang nakaupo wala namang dapat magbago
Pagkat ginagawa ko naman ang aking trabaho
Kung ganun bakit tila marami na ang nag-alburuto
At Umaray sa sistemang pinagmamalaki mo
Ang mahusay na pinuno walang sini-sino't pinipili
Sa Paglilingkod dapat lahat ay kasali
Di lamang iilang o kung sino lang ang kakampi
At lalong di sa interes na pansarili
Ang pinunong walang naibigay na lunas
Bagkus lumala pa ang problemang dinaranas
Kailangang palitan at sa pwesto'y maalis
Isang hakbang para sa pagbabagong ninanais.